Tuesday, January 25, 2011

Winning Team

January 25, 2011

           First thing na nangyari was the Outreach program. Okay na man lahat. Super participate nga ako kasi gustong-gusto ko talaga yung mga ganung activities na nakikipag-interact with poor children. Tapos kumain na kami. Bumili ako ng dirty ice cream. Okay pa rin ako. Pero biglang....sumakit ang tiyan ko..(badadadang!!!). Grabe bigla akong natahimik. Ayaw kong kausapin kahit na sino. Sabi nga ni Omma( si nica to), bakit daw ganun mukha ko. Hahahaha!!! Di ako makatawa talaga kasi ang sakit sakit talaga ng tiyan ko. 

           Ayun babalik na kami sa school. Nagmamadali ako kasi tumataas na yung balahibo sa braso ko at nagpapawis na ako ng malamig. Grabe ayaw ko talaga pag naabutan ako.(Sorry na at kailangan ko pa talagang i-describe.) So sinamahan ko si Pearl sa patio para bumili ng black socks niya. Pag dating sa school sabi ko kay Pearl diresto na kami ng clinic. As in takbo talaga ako. Diretso ako sa cr malapit sa clinic. May na-meet pa akong babae na kalalabas lang ng cr na may flush (yun kasi kailangan ko...may FLUSH). So nangyari na ang dapat mang yari and it was a success!!!!! Balik ulet sa klasrum at praktis para sa aming speech choir.

          We had our practices and I believe na mananalo kami kasi alam kong binigay namin yung best namin. So the moment came...the CONTEST TIME!!! Binigay namin ang lahat. So ineexpect ko na sana makapasok man lang sa TOP 3. Super nagandahan ako sa performance ng Thomas Boys... yung "RUNAWAY". Super favorite ko kasing song yun. Gusto ko nga pag may nag-propose sa akin yun kakantahin.(Cher! *jane way) So nanood ako pati na rin yung performance ng ibang section na "My Valentine". Hay! true love!! <3 <3 <3

          So ito na nga.... nung sabihin na kami ang nanalo.... What the!?! Super talon kami.... Whaaaa!!!! Love Lord talaga!!!

          Kaya mahal na mahal ko talaga ng THOMAS FAMILY. 

lasLockhart :)


Trip to MOA


January 22, 2011
             
          Isa na naman sa mga araw na ite-treasure ko. Grabe talaga!!! Kase naman ito yung araw na nag-gala ang TNP. Di ba alam niyo naman kung ano ang TNP? TWINAPOTTERĂ consisting of my beloved friends Aira Donna Marie Santos, Pearl Lyka Acierda, Jane Maren Dasal, Nica Garcia, Roana Marie Flores, Janinna Casuncad, Rebecca Perido, Christia Nazareno, Karol Louise Aguliar, Kamille Ocampo at Pauline Angela Reyes. Kaso unfortunately di nakasama sa paggagala namin si Karol at Kamzy. Pero okay lang yun. Tuloy pa rin ang partay!!!
                
          So ganito nangyari. Expected na nasa 7’11 Zapote na kami by 1pm. Unfortunately, umalis ako ng bahay ng 1pm sakto. Ganon kasi ako umaalis ng bahay pag magme-meet sa saktong meeting time. Akala ko late na ako kasi mga lagpas 1:15 eh nasa dyip pa lang ako papuntang Zapote. Pag dating ko dun ay okay pa pala. Nandun pa lang sina Pauline, Nica(grabe ang layo ng bahay nun), Inna, Jane at Aira. Dun ko pa lang nalaman na may consequence pala ang late. Magsusuot ng flowery na headband. Buti na lang di ako late. Guess what kung sino late?? Sino pa eh di yung birthday celebrator (mali daw pag celebrant). So bus na kami. Pag sakay naming wala masyadong tao sa bus kasi tanghali nga. Sa dulo kami umupo eh dib a sa dulo may mga nakasulat sa likuran ng upuan. Hahaha! Taw kami ng taw kasi may mga number dun. Sabi ni Aira, “Kung totoong gwapo ka at mayaman, bakit ka pa maglalagay ng number sa likuran ng upuan di ba?” Sagot naman ni Roana, “Oo nga dapat g-tech pangsulat niya.” Hahaha!!! AGREE!
                
          After that sakay na kami ng yellow van yung diretso na ng MOA. Grabe sobrang sikip. Pero ayos lang kasi natuwa kami kay Aira siya nagbilang lahat ng pera namin. Pagtapak naming sa sahig ng MOA iba na talaga ang feeling ko. Naisip ko sa sarili ko magiging masaya itong araw na ito.
                
          Nung una, wala pa kaming maisip na gawin at puntahan. So may nag-suggest na mag-stay muna sa isang corner at mag-isip. Eh naglakad na lang kami nun. Habang naglalakad ay may nakita kaming part sa MOA na may mga animals na ewan kung sa zodiac bay un. Pero kung sa zodiac yun, bakit may sisiw?? So yun sabi ni Nica pa-picture daw muna kami. Syempre lapit agad ako sa aking zodiac, ang ASO! Tapos may nakita pa kaming cherry blossoms na alam kong fake. Pero kahit na, nag-papicture pa rin kami. Para nga kaming one big family. Awwww!!!!
                
          So lakad pa rin ng lakad. Tapos may naisip na naman kami. Bakit hindi kami magkaroon ng TNP shirt na pare-parehas. Agree naman kami. Nakita naming yung sa isang shop na may “SALE” sa may unahan ng shirt. Nagtanong kami kung magkano. Kaso di pala binebenta yun kung hindi display lang. Sayang! So hanap ulet kami. Nakarating kami ng isang shop na gawang pinoy. Kaso nahati ang tnp. May gusto ng shirt, yung iba bag. Eh di nagtanong kami kugn magkano. Basta tanda ko mahal yung shirt. So labas kami at hinanap yung ARTWORK. Kaso wala naman sila nun sa MOA. Malas talaga! So ang nangyari napadpad kami sa Department Store. Una talaga dapat damit. Pero nakita naming yung headbands so yun na lang. Sa unang hilera nagandahan ako dun sa mga headbands kasi mukhang kpop-inspired. Yung mga type na malalaki yung design sa ulo. Love them! Alam niyo naman may episode kasi sa pinapanood kong kdrama na “GOD OF STUDY”(kailangan talaga bold), may part dun yung isa sa mga bidang babae ay namimili ng mga headbands eh nagadahan ako sa pinili niyang headband, so goal ko na makahanap ng ganung headband. Eh yung nakita ko sa MOA( yung una) parang hawig. So natuwa ako kaso nung pagtingin ko sa presyo…what the!?! pHp149.75 Grabe for a headband halos 150.00 na din. Di ko kinaya so naghanap pa kami. At may isang section sa dep’t store na wall ng accessories. Magaganda sila at mura pero di ko sila type. So hanap pa din akong hanap. Sila Aira nakadalawa na, ako wala pa din. Super confused kasi ako pagdating sa mga ganyang bagay. Bakit kasi ang hirap maging babae???? Pero in the end, nakahanap din ako. Alam niyo ba kung magkano?? pHp70.00 lang!! Woohoo!! So pila na kami sa counter. Sa likuran naming may grupo ng Korean girls na nag-uusap. Garbe pagpasok pa lang MOA ang dami ko nang nakikitang Koreans. Syempre nakikinig ako sa kanila. Kasi di ba mas masayng making sa real life na Koreans kaysa sa napapanood mo lang sa dramas. Tuwang-tuwa talaga ako pag may mga ganun.
                
          After that marami pang nangyari pero skip na natin yun at dumiretso sa MANG INASAL. Dun kasi kami linibre ni Pearl Since birthday niya last January 20, 2011. Budget ng bawat isa sa amin ay 100 lang. Since mura lang naman sa mang inasal. Eh di dun na kami. 99 ata yung inorder namin. Tapos itong si Roana nag-dare. Sabi ba naman since unlimited rice kami 4 cups daw. Eh ako gutom na gutom eh di okay. Nagsimula na kami. Magsisimula pa lang ako si Roan tapos na. Grabe!! Naka 3 cups ata ako. Di ko na matandaan sa sobrang busog. Grabe talaga. So eto na nga. Tapos na. Sabi nila lakad lakad muna. Nauwi kami sa pagpunta ng seaside. Ganda pala dun. Sabi ni Roan gusto niya makita sunset eh wala namang araw since natatakpan ng ulap. Upo kami dun. Mga ilang oras gusto na naming mag-cerealicious. Kaso wala daw sila nun sa MOA. Dairy Queen na lang. Pagtingin ko ang mahal ng gusto ko. Yung blizzard. So sabi ko okay OMMA(si nica to, kasi ang omma sa Korean nanay. Eh nung nasa MOA kami siya humahawak sa kamay ko para di ako mawala), mag-MCDO na lang kami at mag-coke float. So punta kami dun kasama si Pearl at Jane. Balik kami afterwards at uupo sana sa pwesto namin kaso wala na.
                
          May nakita kaming spot sa MOA sa labas na parang bahay. Akyat kami sa 2nd floor at dun tumambay. Tapos aalis na daw sina Inna at Bebs puntang arcade pero di na babalik dun. Gusto ko sana sumama pero yung thoughts ko were instructing me to stay so I stayed instead. Nag-picture na lang kaming mga natira. Nagyaya na silang umuwi kasi wala naman atang fireworks na magaganap kasi sabi 8pm nagsisimula bakit mga lagpas 8pm na wala pa din??? Sakay kami ng fx. Taray! Kala ko 30 lang . Gusto ko nga  mag-bus kasi mura pero okay na din yun para safe. Kaso nang singilin na kami, pHp42.00 pla. Okay na nga. Binigay naming yung bayad kay Aira since siya nasa unahan. Hahahaha!!! Laughtrip kasi nagmukha na namang treasurer si Aira. Patugtog sila ng songs ni Taylor habang nasa daan. After that nakarating na kami ni Christia at Pauline sa RFC. Kasi yung iba sa 7’11 Zapote bumaba.
                
          Nakauwi na din ako. Ka-text ko sa daan si Inna. Nalaman kong nasa MOA pa pala sila. Grabe sila una nagyaya umuwi tapos kami unang nakauwi. Hhahaha!!
                
          And that’s the end of our trip! Thanks for reading! Grabe thank GOD naging safe ang aming trip. Sana maulet ulet yun pero mas maganda kung buo na. First time ko kasi yung gumala with friends at MOA pa. Pinakamalayo ko na narating na gala with friend(si Inna kasama ko nito) ay sa SM Southmall.
                Sa uulitin! J <3 TNP


lasLockhartJ