Alam niyo bang wala lang talaga akong magawa nang gawin ko itong blog entry na ito. Parang masasabi na ring suddenly na lang na pumasok sa isip ko na i-type ang nasa loob ko. Walang halong biro talaga! Promise!! Ok sisimulan ko na nga.
Una sa lahat, nalulungkot ako kasi hindi naman sa magkakahiwalay kaming tropa pero siyempre di maalis na malalayo ng konti yung atensyon naming sa isa’t isa kasi may iba na siyempre kaming bibigyan ng focus, at iyon ang aming future. Iba-iba na ang mga papasukan naming colleges at universities. Lalo na sina Poh at Jane kasi ang layo talaga nila sobra! Biruin mo parang minsan na lang kami magkikita-kita. Ang hirap kaya nun kasi nasanay akong buo kami. (Kaso nung summer mahirap kaming mabuo kasi busy at may iba’t-ibang lakad. Lalo na ako! Hahahaha). Sana nga kahit college na kami mabigyan pa rin namin yung isa’t isa ng timeeh yung mga sched kasi naming pahamak. Si Aira may pasok ba naman ng linggo? Biruin mo yun? Ako free time ko Wednesday at weekends. Sana makasakto kahit isang araw lang na lahat kami libre para makasama ko ang aking 8 tunay na mga kaibigan. Chos!
Pangalawa pa sa mga pinuputok ng butsi ko eh sana magkaroon ng isang beses na makasalubong ko sa manila yung tropa ko. Yun bang coincidence talaga. Hahahaha!! Astig nun! Biruin mo sa dinami-dami ng bus eh sa 1 bus lang talaga kami pagtatagpuin. Hahaha!! Tapos pag nagkita kami ng kahit isa dun sa 8 bruhang yun(mas special kung si poh!! Hahaha!!), yung expression pa naming eh yun bang parang ilang taong di nagkita. Hahahahaha!!! Excited na akong mangyari yun!!
Sana nga magkaroon ulet kami ng bonding time ng tropa kong ibang klase. Yun bang tambay ulet sa Golden Heaven tapos diretso sa bahay ng kung sino yung naka-assign sa araw na yon. Tapos kwentuhan lang at kain. Hay!! Sana nga maulet uli yun. Pero mas maganda kung wala paring magbabago. Sana ako din di magbabago. Pero siyempre pramis yan! Hindi ah!! Hahahaah!!
Laslockhart :-)


No comments:
Post a Comment